Old school Easter eggs.

ANDROID OS INFORMATION

A n d r o i d

Ito ay isang Mobile Operating System based sa Linux system  na dinevelop 

ng Google. Ang mga mobile devices na meron nito ay smartphones at tablets.


Rooting

  • Ito ay isang paaran para ma-access ang unix system at makapagbigay ng permiso para ma-access ito upang ma-modify. Katulad sa Windows pc na na maaccess mo ang admin kung saan maaring mo ma-modify ang system information ng computer.

Flashing
  • Ito ay paraan upang ma-laod o mainstall ang isang OS, Custom ROM, modified application, Kernel at ibang system requirements through Recovery (CWM) and Flashing tools (eh. ODIN, HEIMDALL)

Bootloader
    Ito yung code na nagrurun bago magstart ang OS. Parang sa PC meron din bootloader or startup boot. May mga manufacturer na locked ang bootloader tulad sa HTC merong Hboot.

Pagkakaiba ng unlocking bootloader sa rooting:
Ang rooting ay isang proseso upang magbigay ng permiso para i-modify ang system katulad nito ang permiso ng admin sa pc. 
Ang pag unlock ng bootloader ay pagpasok sa system ng phone, (hindi mismo ang OS). Bali tinatanggal lang natin ang harang na nilagay ng manufacturer para magalaw ang phone sa anumang kaparaanan. Hindi ka makakapag root o makakapag-flash kung hindi pa unlock ang bootloader. 

Ang Samsung ang isa sa mga tanging Android phone na hindi lock ang bootloader.




ANDROID VERSIONS HISTORY

Dessert ang name scheme ng Android na sinusundan ng numero. Alphabetical ang pagkakasunod nito. Ito ang mga sumusunod na Android version: 

1.5 Cupcake

1.6 Donut

2.0/2.1 Eclair
-Live Wallpapers
-Account sync
-Predictive input text
-HTML5

2.2 Froyo
-Adobe Flash 
-Applications can be moved to sdcard
-Cloud system
-USB tethering and wifi hotspot

2.3 Gingerbread (GB)
-Front Camera to support in video calling
-Enhanced copy/paste function
-Power Management
-Download management


3.0 Honeycomb
-Optimized only for tablets
-Supports multi-core processors
-Three dimensional desktop with redesigned widgets
-Menu for recent apps shown as thumbnails


4.0 Ice Cream Sandwich (ICS) 
-Swiping as action for removing list in notification center and switching  application's tab
-Ability to access directly app from lock screen
-Face Recognition to unlock screen
-Easy to create and manage folder*
-Data Usage section, monitor date usage
-Virtual buttons (kapalit sa capacitive or physical buttons) 
-All over enhanced UI, widget, icons
-Built-in photo editor*
-Resize widgets*
-Android Beam (use NFC)
-Modern Robo Font
*Meron na sa ibang third-party launchers at Touchwiz 4.0


4.1 Jelly Bean (JB)
-HTML5 in, flash player out
-Added improved interactive voice search
-Widgets rearrange and resize automatically
-Offline voice typing (keyboard feature)
-NFC uses Bluetooth
-Beam can also be used to pair your Android device with Bluetooth devices such as speakers and headphones
-Navigate Android with gestures mode for easy accessibility


Key Lime Pipe 
(rumored next Android Version)


Click here for details

IN THIS THREAD:
COMMONLY USED TERMS AND ABBREVIATIONS

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQ)
GENERAL ♠ ROOTING ♠ BACKUP & RESTORE ♠ FLASHING

ANDROID BASIC FUNCTIONS AND FEATURES

TIPS FOR ANDROID USERS


COMMONLY USED TERMS AND ABBREVIATIONS 


adb - Android Debug Bridge, isang paraan upang magbigay ng control o command 

ADK - Android Development Kit, isang program upang makabuo tulad ng ROM

Boot Loop - estado kung saan hindi ma-open ng tuluyan ang phone/tablet.

Brick or Bricked - terminong ginagamit kung saan ang phone ay hindi na gumagana.

Bug or Software Bug: Ito'y di maayos na pag run ng isang application o software dahil sa mali o kulang pag input ng "code" ng developer.

Busybox: tinaguriang "The Swiss Army Knife of Embedded Linux"

ClockworkMod - isang Recovery program kung saan ginagamit para magback-up/restore ng Stock ROM (OS), mag-flash ng ROM, kernel, modded app at tweaks.

(F)OTA - (Firmware) Over The Air; isang wireless na paraan para makapag update ng Firmware version. Hindi na kailangan ng pc sa pag update.

Kernel - Ito ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng software at hardware. Sa Android pwede ka magflash ng custom kernel kung saan maaaring maboost ang ram memory, makontrol ang CPU(OC/UC/UV) at iba pang software at hardware functions.

OS: Operating system.

Overclocking (OC) - pagdagdag ng speed ng CPU.

ROM (Read Only Memory) - Terminong ginagamit sa Android para sa software/firmware/OS. Nakapa-loob dito ang Kernel, Themes, OS version at modem.


Stock - ibig sabihin ay "out-of-the-box", default.

SU: "Super user", or root permissions

Underclocking (UC) - pagbagal ng speed ng CPU upang maka save pa ng battery life.

File types:

.apk or APK's - ito ay file extension ng Android package. Installer ng applicatiom

.sbf: Summation Briefcase File

.tar: Similar to a zip file, dito nakapaloob ang ibat iabng file. Kalimitang gamit sa pagflash sa ODIN. (Phone/Modem, PDA)


FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQ) 

G E N E R A L


Saan nagdodownload ng apps para sa phone/tablet ko?
Sa Market app. Para maopen ito, kelangan may gmail account ka at internet connection ng phone/tablet. Ang mga apps na nandito ay filtered para sa model ng phone/tablet mo.

Wala akong internet sa phone, paano ako makakadownload ng apps?
Pwede ka mag download ng installer (.apk ang file extension) sa computer. Copy mo lang at ilagay sa sdcard mo. Set mo sa Settings-->Applications-->Tick Unknown Sources. Then tap mo lang yung installer na nadownload mo.

Paano ikonek ang phone/tablet ko sa pc?
-Enable usb debugging mode. Settings-->Applications-->Development-->Tick USB debugging . Konek mo gamit usb connector
-Kapag hindi nadetect ang phone mo, mag install ka ng usb driver sa pc. Search mo sa google ang driver para sa device mo. 

Paano ko ishare ang internet ng phone ko?
Note: Ang may ganitong feature ay nasa Android 2.2 + (Settings->About Phone).

WIFI HOTSPOT (share internet wirelessly)
1. Make sure may naka naka activate ang 3G/G/H o Data connection mo. Go to Settings-->Wireless and Network-->Mobile Network-->Tick Packet Data.
2. Settings-->Wireless and Network-->Tethering and portable hotspot
3.Tick portable wifi hotspot.

USB TETHERING (gawing modem ang phone/tablet)
1. Follow mo yung 1-2 sa taas.
2. Tick usb tethering
3. Connect mo ang device mo sa pc.
4. Set mo sa pc ang internet connection, select mo ang phone as modem.

Nag upgrade ako ng memory card. Paano ilipat lahat ng apps sa bago kong sdcard?
I-reformat mo ang bagong sdcard sa phone. Sa pc, copy mo lahat ang laman ng LUMA mong sdcard at ilagay sa BAGO mong sdcard. 

Gusto ko sana magpalit ng theme. Paano ba?
Maginstall ka ng launcher from market. Pagkatapos search ka rin sa market ng theme para sa launcher na nainstall mo. Pag aralan mo kung paano ang pasikot sikot ng launcher na nainstall mo para maaply ang theme na napili mo. Read instruction sa market. 

Paano kumuha ng screenshot para sa phone? 
-Press hold down home button (don't release )>>press back >>press power button
-Sa mga naka-Cynogenmod na custom rom, press hold down power button and select screen shot.
-Kung hindi man magawa ang ilanman, pwede kang maginstall ng app tulad ng shootme


R O O T I N G
Quote:
Ano ang root? Paano malalaman kung rooted na ako?
Ang  root ay parang isang command system na administrator. Ito ang  nagbibigay ng permission kung may gagalawin sa system ng Android. In general, dapat may makita ka sa appdrawer na SUPERUSER app.
Ito ang icon ng superuser app:
 o  

Paano ko i-root ang phone/tablet? Pwede ko ba magamit yung method ng root ng ibang device?
Iba iba ang paraan ng pagroot sa bawat android devices.  Dapat -isearch mo sa google kung ano ang method ng rooting sa device mo.

Masisira o ma bbrick ba ang phone ko pag nag root?
Wala pa naman pong nabrick dahil sa pag root lang. Pero may posibilidad ito kung hindi maayos ang pagkakasunod mo sa instruction ng rooting para dito. Para safe umiwas po sa copy-paste instruction.

Kailangan po ba talaga mag root?
Hindi naman kailangan kung kontento ka na sa performance ng Android phone mo.

Anu-ano po ba magagawa ng root?
  • Makakapag install ka ng CWM Recovery (see above for more info)
  • Makakapag install ka ng apps for tweaks.(eg. GPU modding, CPU acceleration, memory boost,camera enhancer, command scripting, theming)
  • Ma view/modify ang mga system files at magtheme bukod pa sa launcher
  • Makapag install ng vpn for faster net connection and unlimited bandwith o free net
  • Mag install ng apps para iextend ang function, tulad ng usb tunneling at iba pang apps na need ng root access(share net)

Paano ko pala i-unroot ang rooted android phone ko?
Alinman sa paraang ito:
-Update ka ng official firmware
-Flash ka ng Stock ROM (hindi stock Kernel) thru ODIN; o
-Gumamit ng one click root. (eg. doomlord's)



B A C K U P      &       R E S T O R E

Quote:
Ano po ang Nandroid Backup?
Ito ay pag back up ng buong imahe ng iyong phone, kasama na ang system, apps/games, contacts, messages, settings, lahat

Paano po ba ako makakapunta sa (CWM) Recovery?
Option 1
1. Open mo ang CWM Manager, 
2. Tap Reboot into clockworkmode recovery

Option 2:
1. Turn off mo ang phone.
2. Press volume up + home button + power


Posible po bang mag backup ako kahit hindi rooted?

HINDI. Kailangan rooted ang phone.

Bakit kailangan mag back up?
Kung sakaling magka problema sa pag flash o sa pagpalit mo ng ROM o para mapa-warranty mo pa ang yung phone, ma rerestore mo orihinal mong ROM.


Ano po ang stock?

Stock = out-of-the-box, original, official.

Paano po ba magrestore (bumalik sa) ng stock ROM.Alinman sa paraang ito:
  • Mag-flash ng Stock ROM
  • Mag restore ng backup na stock rom using CWM
    • Para gawin:
  • Reboot to Recovery
  • Select Backup & Restore
  • Restore
  • Restore from internal sdcard (hanapin at piliin ang backup file)
 
MawaWALA po ba sa pagka ROOT pag nagrestore ng Stock ROM?
  • HINDI mawawala sa pagkaroot KUNG mag rerestore ka sa backup mong stock ROM.
  • Pero kung magflash ka ng Stock ROM sa nabanggit na paraan, ang root ay mawawala

Ano po ba ang kaibahan ng Nandroid Bakcup sa  Titanium Backup?
Nababackup lahat ng Titanium maliban ang kernel, ROM (OS), modem. Samantalang ang Nandroid backup literal na naback up niya lahat.

Nababack up din po ba ang mga file sa sdcard ko?
Kung ang tinutukoy mo ay backing up gamit ang CWM o TB ang  sagot ay HINDI. Kung gusto mo pong iback-up yang mga file na yan, gawa  ka ng kopya at ilagay mo sa pc o kahit sa flash drive.

Ano ang mas magandang gamitin?
Mas magandang gamitin ang TB kung magpapalit palit ka ng ROM. Mas mainam naman gamitin ang Nand Kung sakaling magka problema sa pag flash o sa pagpalit mo ng ROM o para mapa-warranty mo pa ang yung phone.



F L A S H I N G


Quote:
Ano po ba yung flashing?
Basically,   para ka na ring nag install. Pero mas angkop ng gamitin ang terminong  ito kung nag load ka ng ROM (OS), modified application,Kernel, at  firmware.



Android Updates


Paraan ng pag update ng Android OS

A. Official update from manufacturer (hal. Samsung, LG, HTC, Huawei) - mismo ang manufacturer ang magsu-support ng update.
   1. Direct update - diretso na yung update galing sa manufacturer.

   2. Update thru telco - minsan dumadaan muna sa network provider yung update. Sa ngayon sa       ibang bansa lang ang may ganito. 

B. Non-official update from developers community - ang mga developer ang magsu-support ng    update. Open source ang Android, kaya maaaring ma-modify at ma-port ang OS. Malimit dito    kumukuha ng update yung mga walang opsiyal na update galing sa manufacturer.

   1. Flashing ng AOSP or Android Open Source Project based ROM. Ang Cynogenmod Team ang bumubuo ng developers na nagsusulong ng update. Usually nauuna sila sa opisyal na update galing sa Google. 

   2. Porting o pag-adopt ng OS version galing sa ibang phone. 


C. Nexus updates - directso galing sa Google yung update ng Os.

Ito ang diagram ng pag-update.



Laman ng update

A. Android Os- galing sa Google ang update. Nabanggit sa taas kung paano ang update nito.

B. Firmware - usually mga fixes, modifications, at improvements para sa partikular ng phone sa partikular na OS version. Ang update ay galing lang sa manufacturer.


Anyo ng OS or ROM o Firmware.

A. Stock ROM - orihinal na porma ng OS.

   1. Manufacturer based ROM - orihinal na ROM/OS na may layer o UI tulad ng Sense (HTC), Touchwiz (Samsung).
   2. AOSP based - orihinal na porma ng Android OS galing sa Google.

B. Custom ROM - modified Android OS. Customized na OS na gawa ng mga developers.

   1. Manufacturer based.
   2. AOSP based.


* Superuser.png 

* superuserbalck.jpg 


ANDROID BASIC FUNCTIONS AND FEATURES


Multitasking


  • Press and hold home button to show Task Manager. This shows recently used apps. In Android 3.0/4.0, there will be dedicated soft key for recent apps which appear in thumbnails.
Benefits - This will let you switch from one app to another easily without searching it in app drawer. The good thing is when you exiting (not closing) an app, it's still running in background

Account Sync

  • Once you installed social apps like Facebook or Twitter etc., you will be prompted a sync all, sync existing contacts, no sync
Benefits - You will no longer add one by one contact or search for it in particular app. Example you have contact in Facebook, the contact includes his/her number, just search it in search button (not in Facebook app).Search 

Search

  • Some Android phones have dedicated soft key for search function and Galaxy series its in menu button (press and hold). In general, there is a google search widget out of the box.

Back/Exit

  • There are a dedicated keys for these functions. When you press back button you are actually closing the particular app. When you press home button you are exiting from app and not closing it.

Widget

  • These are the live presentation of a particular app. Example is weather widget.

Home Screen and Panels

  • Number of panels in home screen depends on Android version and phone model. You can switch from one screen to another. You can add/remove panels and add/remove widgets in a panel.

Notification

  • This is located at the top of the screen. You drop it down and you will see list of notifications from messages, active chat application to download progress. Music player and fm radio can also be located here when active.




TIPS FOR ANDROID USERS


Para maka install ng paid apps for free(outside Market)

  • Search ka sa google ng gusto mong application. Ganito ang pag search, halimbawa type: Order and Chaos apk. Mas maganda kung laging may apk(file extension for installer) sa huli.
  • O kaya gawin mong alternative market ang Black Market Alpha. Download HERE 
Para ma maximize ang battery life
Kung di ka pa rooted, ito mga pwede mong gawin:
  • Turn off wifi, bluetooth at gps pag di kailangan
  • Settings-->Display. Reduce screen brightness.
  • Settings-->Account and sync-->untick background data
  • Disable Fast Dormancy, dial mo to *#9900# (Note:Makakaapekto ito sa Data connection  )
Kung ROOTED na ang device mo, ito ang mga pwede mo pang gawin: 

i-Hide ang mga files
  • Go to sdcard -> More/Setting - >Untick Show hidden files
  • Ilagay ang file sa isang folder. Rename mo ang folder na may tuldok sa unahan. Halimbawa .Music

Avoid using apps

-ROM Manager
-Task Killer


Android Useful Codes (Some may not be working)

*#*#4636#*#*
Phone, Battery, Data Usage Information

*#0*# 
LCD Test

*2767*3855#
Factory Reset

*#*#7594#*#*
Change End Call/Power button action 

*#*#44336#*#*
PDA, Phone, CSC, Build Time, Sim card number



Created by:
+_kyosuke_+